Ang blog na ito ay naglalaman ng mga kuro kuro ko at damdamin, na nabigyang-hugis sa pamamagitan ng ulayaw ng papel at ng sumasayaw kong pluma. ang anyo na aking pinili ay ang anyo ng mga taludtod at saknong, na kung tawagin ay tula.

matagal na akong sumusulat ng tula. di ko na maalala kung kelan ako nagsimula, ngunit alam ko na ang hilig na ito ay dadalhin ko hanggang sa akong huling hahantungan.

napakasarap ng pakiramdam na makita ang pagsasaanyo ng aking mga isipin. ang pagpili ng tumpak na salita upang gamitin, ang paghuli ng tamang tugma upang ito ay umawit sa kaluluwa ng bawat makababasa, ay isang paglalakbay na di matutumbasan ang saya.

karamihan ng aking mga katha ay dala pa rin ng makabatang damdamin ng pag-ibig at pag-iibigan. nawa hindi ito maging hadlang sa makababasa upang subukang tikman ang mga pangungusap ng aking puso. para sa mga mutyang karamihan sa kanila ay di man lamang nasilayan ang mga taludtod na ito.

at kung mapadpad ka dito sa aking pahina, sana ay bigyan mo ng kaunting panahon upang sabihin sa akin ang iyong sariling saloobin tungkol sa mga bagay na naisulat ko rito.

ako ang may katha. ako ang balaraw na laong nakalaan, para sa mutya at para sa bayan.

6 Tugon to “About”

  1. jl Says:

    hey!!!! can you make a simple short story about the gospel, parang primary bedtime story. short lang. i want to try to paint scenes about it. … build up filipino gospel culture. yun. in simple tagalog for children to understand. let me know of the plot muna before you do anything….

    i have been trying to paint here in salt lake. finally naka-start na ko. i’m getting greally serious on it. i think that’s one of the reasons i’m here. cause it’s easy to pursue art here. and i’ve been praying hard about it. sa pilipinas, sa liit ng sweldo imposible mag-art unless mayaman ka. dito, materials and references are so easy to obtain.

    well hindi ako nagmamadali sa project na ito. so take your time, we ant this to be really good🙂

    oh yeah, if ever there are profits hati din tayo hahaha pero super future pa yun, and that’s really not my concern, and i don’t even know kung may profit hahaha. not bad, since you’ll write lit anyway whether you make profits or not =)

  2. jl Says:

    hey, if you know some true stories those are great too. you know, truth is stranger than fiction, and is more authoritative too. para bang book of mormon reader or new testament reader pero in our day and time and place (pilipinas!). (i’m really hungry to paint filipino scenes eh)… yung mga powerful true stories. i know it will require some research on your part… but the story is what will make it😀 again, no time pressure.

  3. jl Says:

    or maybe written in simple english too… heheh. dami ko nang comments.

  4. damdamin Says:

    Ako na naman po uli;)di ko pa po ito nababasa ah;)ang lalim!baluktut po kasi tagalog ko kaya medyo mabagal!haha;)anyhow,pwede po ba mag paturo ng pilipino?yung mga malalalim na tagalog?para ma improve naman po ng kahit konti ang ka-baluktutan ko?!nyahaha!

    isang manghahangang bata;)mabuhay po kayo!!!

    ps:si sheena nga po pala ito!bow;)

  5. levity Says:

    ang galing mo naman magtagalog🙂


  6. can i ask for a tula… which have 12 pantig 4 na taludtud at 7saknong at6 may tugma |:}

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s