galit ako kay maria aragon.

kilala mo siya?

 

kasi kinanta niya ang awit ng isang

(sabi nila)

satanista. 

 

kaya galit ako sa kanya.

 

at hindi lang yon!

pinuri pa siya nito

sa ganda ng kanyang tinig,

at lumanay ng kanyang 

pag-interpret.

 

kapag nakita ko sya sa lansangan

dapat lamang

na murahin ko siya, hindi ba?

batuhin ng putik, 

at tawaging pangit.

di ba?

 

kasi… isa pa,

sinamahan pa niya sa pag-awit

yaong satanistang

saykedelik kung manamit.

 

oo! inimbita niya si maria,

sa kanyang konsyerto

sa canada.

 

nakita ko sa youtube

kung gaano ang kislap 

ng mata at ngiti

ni maria aragon

habang kasabay niyang umawit

si stefani joanne.

 

akalain mo yown?

 

kaya galit ako

kay maria aragown.

 

lahat ng bidyo nya sa youtube

ay babawiin ko ang aking “like”.

 

kasi mabait ako.

at malinis. 

 

hindi ako kagaya niya

na kasing-sikat 

ni binibining germanotta.

 

kaya galit ako sa kanya.

 

tara!

kilos-protesta!

 

—–

 

i hope maria aragon will not kill me for this post.🙂 and i hope those who read this can understand the purpose and aim of it. just for the record, i admire maria aragon a lot.🙂  [i feel like i have to say so because i’ve had some posts misunderstood before].🙂