sana,
bawat mong pag-idlip
ay may kasaliw
na kaytamis
na panaginip.

sana,
bawat mong paghimbing
ay mayroong kasama
na tatanod
na tala.

sana,
bawat mong paghimlay
ay may dalang pangakong
walang patid na ngiti
habambuhay.

at sana,
sa bawat mong pagtulog
ay iyong madama
itong panalangin kong
pag-asa.