Parang isang asong ‘di mapakali,
Nais manubig pero walang masandalang
poste,
Uungol-ungol, naghahanap,
Naghihintay ng kendi galing sa
ulap.

Basa na ang hawak kong papel,
Kamay kasi’y pasmado, pero
just as well,
Kaysa naman humarap sa ‘yo nang ganito,
Umid, pawisan, walang masabi
at lito.

Kung ba’t kasi ang mahal ng chocolates,
Tuloy
tula na lang ang aking
pang-replace.
Pero ewan kung dapat ko pa ‘tong ibigay;
Sino ba ‘yong de-kotseng pagdating e bigla kang
nag-goodbye?

Lakad, lakad, atras-abante, kamot-ulo,
Gabi na’y heto, naghihintay pa rin
sa ‘yo.
Pero alas-nuwebe na, at nanood raw kayo ng sine,
Aalis na lang ako, uuwi….
sige.