salitre akong inosente,

pampalambot ng karne,

nabarkada lamang

sa mga elementong gago;

ipinakilala ako

kina asupre at posporio,

at kami’y pinasayaw,

sige, halo, sige, galaw!

at nang makabisado namin

ang saliw ng tugtugin,

ang sabi,

ipadadala raw kami sa ibang bayan,

suot ay kumikinang na tanso,

at helmet na tingga;

doon,

maikli lamang ang oryentasyon:

pagbukas ngtelon,

makihalubilo raw kami

sa mga manonood,

laluna’t mahiyain at nagkukubli

sa likod ng kahoy, bato o bakal;

parang taguan,

pag mahuli ka, pung!

maniwala po kayo,

inosente ako,

malay ko bang iba pala

ang balak ng aking mga kasama;

di ko po inakala,

na sa aming tanghalan,

di pala inaasahang

magkakaroon ngpalakpakan.

salitre lamang po ako,

hindi ko po ginusto

na makilala ang batang iyon,

pati loob ng kanyang sintido.

——————————————–

written after watching “Lord of War”

October 24, 2005 in poetry