kung ikaw ay ngingiti
pagkabasa mo nito,
at hindi magagalit,
ang ibig sabihin
kaya
ay magkatulad,
magkahimig,
ang ating isip?

na ang unggoy ay hindi tao,
dahil kundi,
unggoy na rin tayo.

na ang langit ay totoo,
dahil, di ba,
impiyerno ‘to?

na may buhay pagkamatay,
dahil kung wala,
may multo pa kaya?

na totoo ang walang hanggan
dahil tingnan mo,
may Diyos kang dinadasalan.

at, kung ganito,
na maaaring magtagal
ang tunay na pagmamahal,
bakit ko pipiliin pa
ang iba?
ikaw na.

———————
‘di ko na maalala kung kailan ito nakatha,
pero sa bathroom tissue ko ito naisulat…