hindi na kita iniisip sa gabi,
iba na ang pumapasok sa aking guni-guni;

hindi na ikaw ang inaalala,
iba na ang laman ng aking gunita,

hindi na nauubos ang oras ko sa ‘yo,
iba na’ng pinaglalaanan nitong panahon ko,

hindi na ikaw ang nagpapamugto ng mata,
iba na ang may gawa nitong aking luha.

hindi ba eto naman talaga ang gusto mo?
iba na, ‘di ikaw — kundi ang thesis ko.