isa kang buwan sa tubig
sa iyong paninigin,
akala mo ang ganda mo’t ningning
ay dumarating lamang
kapag walang hangin,
kapag payapa ang lahat,
at maaliwalaas ang dagat.

gaano ba kahirap
ang mag-angat ng mukha
at tumingala?

sa piling ng mga bituin at ulap,
ang tunay mong anyo
ay doon matatanto,
hindi sa tubig,
hindi sa panandaliang himig
ng mga kulisap at ibon.

hindi ka buwan sa tubig,
kundi isang lakandiwa,
pinag-aalayan ng tinig at awit,
at pinapangarap
ng mga mandirigma at bayani.