may lambat na akala ko pang-isda lang,
ginamit ko sa aking katawan,
kabobohan nga naman,
tuloy nagmukha akong suman.

may posporong akala ko pang-apoy lang,
idinikit ko sa bagang uling,
kaybobong gawain,
hanggang ngayon kilay ko’y kalbo pa rin.

may taong akala ko pang-kaibigan lang,
tinukso ko sa iba,
kaybobo talaga,
mahal ko pala siya…
ngayon huli na.