ang salaysay ng mga alamat ay paminsan minsan
tunay na nagsisimula sa di inaasahan,
habang ang diwa ay dinuduyan ng pahinga at oyayi,
engkantada kang maingat at marahang dumatal,
nang di inaakala, nang di sinasadya,
ako ngayo’y balot na ng bighani dala ng iyong ganda.

tambuli ang dinig kong marahil sa malayong hinaharap,
ang panaginip na ngayo’y binigyang-mukha,
balani kang humihila ng bawat kong singhap ng hangin,
isang imposibleng inilaan ng tadhanang ilagay sa landas ko,
ngayon, mutya ka na namang aalayan ng sanlaksang luha ng sakali kong muling pagkabigo.